Occidental Mindoro – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng 402nd B Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion sa Sitio Aluyan Brgy. Tibag, Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong ika-10 ng Agosto 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 402nd B MC, RMFB sa pamumuno ni Police Captain John Aldrin Alojado, Office-In-Charge, kasama ang Abra de ilog MPS at KKDAT.
Mahigit kumulang 100 na kabataan ang masayang nakiisa sa feeding program.
Patuloy na maghahatid ng serbisyo ang PNP upang maisakatuparan ang mga iba’t ibang programa ng ating pamahalaan tungo sa magandang kinabukasan at mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus