Bacolod City – Nasabat ng mga operatiba ng Bacolod City Drug Enforcement Unit at Bacolod City Police Station 7 ang higit sa Php14 milyong halaga ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Pablo Torre, Brgy. Vista Alegre, Bacolod City kaninang alas-6:49 ng umaga, ika-10 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Captain Joven Mogato, Hepe ng Bacolod City Drug Enforcement Unit, ang suspek na si Michael Frias y Sarabia alyas “Tata/Toto Gonzales”, 45, walang trabaho, at residente na nabanggit na lugar.
Si Michael Frias ay positibong natukoy bilang miyembro ng Caunda Drug Group.
Nakuha sa posesyon ng drug suspek ang pinaniniwalaang shabu na may bigat na 2 kilos at 115 gramo na may estimated value na aabot sa Php14,382,000.
Narekober din sa kanya ang isang sling bag, isang digital weighing scale, Php10,000 na buy-bust money at Php220 na money proceeds.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang malaking accomplishment ng Bacolod City PNP ay isang patunay na hindi sila tumigil sa laban kontra ilegal na droga para sa pagpapanatili ng kaayusan tungo sa kaunlaran sa lungsod.