Dapa, Siargao Island (January 3-4, 2022) – Personal na ipinagkaloob ng Police Regional Office 11 sa pamamagitan ni PCpt Gerald Birung, Chief, Management, RCD ang Php186,000 cash donation nito para sa mga naging biktima ng bagyong Odette partikular na sa Brgy. Jubang, Dapa, Siargao Island, Surigao del Norte, noong Enero 3 at 4, 2022.
Naging benepisyaryo nito ang 93 napiling pamilya na lubos na naapektuhan, nawalan ng bahay at kabuhayan sa nasabing lugar na bukas-palad at malaki ang naging pasasalamat sa donasyong natanggap mula sa PRO11.
Matatandaang nauna nang naghatid ng tulong ang pamunuan ng PRO11 sa mga nagdaang linggo ng mga food at non-food relief goods upang kahit papaano ay maibsan ang bigat at pinsala na dala ng bagyong Odette sa mga kababayan natin sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Taos puso rin ang pasasalamat ng PRO11 sa pamumuno ni PBGen Filmore Escobal sa lahat ng bumubuo nito at sa mga stakeholders nito na walang sawang nagbibigay ng tulong at donasyon. Patuloy din ang pagtanggap ng pamunuan ng kahit anong tulong at donasyon na maipapaabot natin sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
#####
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera
Salamat sa mga Kapulisan
mabuhay ang PNP!
Laking tulong ng PNP sating sambayanan’ Saludo!!