Calabanga, Camarines Sur (January 6, 2022) – Sa pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Calabanga at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, nadakip ang isang (1) babae na nagpapanggap na PDEA Agent matapos ang ikinasang buy-bust operation sa inuukupahan nitong bahay sa Barangay San Roque, Calabanga, Camarines Sur mag-aalas nuwebe ng gabi nitong January 6, 2022.
Natukoy ang babae na si Ivy Aguilar y Harochoc, 35 anyos, residente ng Barangay Sta. Cruz Ratay. Nahuli rin ang mga kasamahan nito na sina Allan Exala y Tarala, 35 anyos, Barangay san Lucas; Danielle Marie Azuela y Bellega, 20 taong gulang, Online Seller, residente ng Barangay San Roque at Benjie Morino y Sacuesa, 36 taong gulang ng Barangay San Lucas.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilegal na droga na hinihinalang shabu na may mahigit 52 gramo na may value market na Php353,600, dalawang (2) cellphone na gamit sa transaksyon, isang (1) tacktical knife, dalawang (2) motorsiklo at drug paraphernalia.
Si Harachoc ay isang notorious drug personality at ang mga kasamahan niya ay nasa Provincial Drug Watch List.
Nasa kustodiya na ng Calabanga Municipal Police ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang pagkakaisa at malakas na ugnayan ng PNP Bicol at PDEA RO5 ay isa sa mga epektibong pundasyon sa pagsasakatuparan ng mithiin ng gobyerno na linisin ang lipunan sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamut,” ani PBGen Jonnel Estomo, Regional Director, Police Regional Office 5.
####
Panulat ni Pat Ian Dayao
Source: Calabanga PNP
Husay naman po tlga ng mga Alagad Ng Batas..
Great accomplishment. Good job and congratulations!