Tuesday, November 19, 2024

Cauayan PNP, naglunsad ng Project “R.O.BIN”

Isabela – Tuluyan nang inilunsad ng Cauayan Component City Police Station ang Project R.O.BIN o Ritwal na Operasyon upang maging ganap na BINata na ginanap sa Community Center, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela noong ika-8 ng Agosto 2023.

Aktibo itong pinangunahan nina Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr, Chief of Police ng Cauayan Component City Police Station; Police Lieutenant Colonel Michael Aydoc, Chief PCADU; at Police Lieutenant Colonel Eugenio Malillin, FC, 1st QPMFC; IPPO Health Unit kasama sina Hon. Julius Caesar “Jojo” S. Vaquilar, Vice Governor, Quirino Province, Gng. Joan Javier, LGU Officials ng Cauayan City at Brgy. Officials ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PLtCol Nebalasca, ang konsepto ng Project “R.O.BIN” o “Ritwal na Operasyon upang maging ganap na BINata” ay nagmula sa Project “B.A.T.MAN” o “Be A Total Man” ng Probinsya ng Quirino.

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Hon. Vaquilar na kung saan ay kanyang pinasalamatan ang mga Cauayeños sa mainit na pagtanggap sa kanila at ibinahagi rin niya ang kanyang kabataan bago siya naging ganap na binata na dahilan ng paglunsad sa Project “B.A.T.MAN”.

Itinampok sa proyekto ang pagtuli sa 157 na mga bata na naging benepisyaryo ng naturang aktibidad at nagkaroon din ng feeding program at pamamahagi ng dental kits.

Lubos ang pasasalamat ng mga magulang ng mga bata sa ipinagkaloob na libreng tuli at dental kits para sa kanilang mga anak at sinisiguro naman ng Cauayan Component City Police Station na ang inilunsad na aktibidad ay masusundan pa sa susunod na linggo at buwan ng taon.

Source: Isabela PPO, PIO

Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles