Bukidnon – Nagsagawa ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) 10 ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Orientation sa mahigit kumulang 50 kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng Talakag, Bukidnon nito lamang ika-8 ng Agosto 2023.
Ito ay ginanap mismo sa Talakag, Municipal Hall na pinangunahan ni Police Major Francisco Sabud Jr, Chief, Community Affairs Section ng RCADD 10.
Itinuro din ang Roles and Responsibilities ng isang KKDAT Officers.
Nagkaroon din ng Election at Induction ng Municipal KKDAT Officers ng Talakag, Bukidnon sa pangunguna ni Hon. Vergito Factura, Municipal Mayor ng Talakag, Bukidnon.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng Local Government Unit ng Talakag, Bukidnon at Bukidnon Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jerry Paronia, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit ng Bukidnon Police Provincial Office.
Layunin nito na mas mapalakas pa ang ugnayan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas at kabataan upang masawata ang banta ng droga at terorismo sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10