Monday, November 18, 2024

Cagayano Cops, lumahok sa Grand Opening ng Pavvurulun Afi Festival 2023

Cagayan – Aktibong lumahok ang mga Cagayano Cops na pinangunahan ni Police Colonel Julio Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan PPO, sa grand opening ng Pavvurulun Afi Festival 2023 noong ika-9 ng Agosto 2023 na ginanap sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.

Nagsimula ang foot parade mula sa Metropolitan Cathedral patungo sa Cagayan Coliseum. Samantala, bago magsimula ang aktibidad ay maagang nagtungo sa Cathedral Grounds si PCol Gorospe para personal na paalalahanan ang mga kapulisan ng Tuguegarao para masiguro ang kaayusan at seguridad ng aktibidad.

Nagpakitang gilas naman ang Cagayano Cops Lady Warriors na mga miyembro ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa kanilang ipinamalas na kahusayan sa Silent Drill.

Dagdag nito, dumalo rin sa aktibidad ang iba pang matataas na opisyal ng Cagayan Police Provincial Office na sina Police Lieutenant Colonel Richard Gatan; Hepe ng Tuguegarao Component City Police Stataion; Police Lieutenant Colonel Vincent Maguddayao, Force Commander ng 1st PMFC; Police Major Manuel Villoria, C, POMU; at iba pang mga Police Commissioned Officer.

Maliban sa mga nabanggit, aktibong nakiisa rin si Police Colonel Jovencio Badua Jr., Deputy Regional Director for Operation, PRO 2 sa Kick-off Opening Ceremony at Food at Trade fair ng naturang festival na ginanap noong umaga ng Agosto 8 sa Metropolitan Cathedral grounds.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que kasama ang kanyang mga konsehal ang Grand Opening ng Pavvurulun Afi Festival 2023 na dinaluhan din ni Gobernador Atty. Manuel N. Mamba, mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga non-government organizations, force multipliers at mga punong barangay sa lungsod.

Siniguro naman ni PCol Gorospe na patuloy ang paghihigpit at pagbabantay ng buong hanay ng Cagayan PPO upang matiyak ang kaayusan, katahimikan at seguridad ng naturang aktibidad na magtatagal mula Agosto 8 hanggang Agosto 16, 2023.

Source: Cagayan PPO

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles