Leyte – Timbog ang isang Top 3 Regional Level Priority Target sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. 37 Reclamation Area, Tacloban City, nito lamang Agosto 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Michael Palermo, City Director ng Tacloban City Police Office, ang suspek na si alyas “John-John”, 27anyos at residente ng Brgy. 37 Reclamation Area, Tacloban City.
Ayon kay PCol Palermo, bandang 5:35 ng hapon ng ikasa ang operasyon ng pinagsamang tauhan ng Tacloban CPO-CDEU, PDEG-SOU8 at Tacloban CPO-CMFC na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu mula sa suspek na may timbang na 10 gramo at may tinatayang halaga na Php68,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng PRO 8 katuwang ang pamayanan ay patuloy na magkakaisa upang masugpo ang ganitong klase ng krimen at malinis ang komunidad sa presensya ng ilegal na droga na sumisira sa buhay ng mamamayang Pilipino.