Tarlac – Nagsagawa ng Relief Operations ang Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company para sa mga lubos na naapektuhan ng baha sa iba’t ibang barangay ng Camiling, Tarlac nito lamang Linggo, ika-6 ng Agosto 2023.
Ang naturang operasyon na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Ford Sudaypan, Force Commander ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang CLR XXVI Golden Star Eagles Tarlac West Club sa paghahatid ng tulong.
Umabot sa 1,115 na pamilya ang nabigyan relief goods na labis ang pasasalamat sa hatid na tulong at pagmamalasakit sa kanilang lugar.
Layunin nito ang matulungan ang ating mga kababayan na labis na naapektuhan sa hagupit ng Bagyong “Egay” na kung saan ang mga iba pang kabahayan sa iba’t ibang probinsya ng Central Luzon ay lubog pa rin sa baha.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera