Bukidnon – Narekober ang mga kagamitang pampasabog ng mga komunistang grupo sa Brgy. St Peter, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-06 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Colonel Restituto Lacano Jr., Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, bandang 6:10 ng umaga nang isinagawa ang operasyon ng mga tropa ng Bukidnon –1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, 12th Special Action Company – SAF, 1003rd MC at 1004th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 10, Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 10, Bukidnon – PECU, 88th Infantry Battalion at 403rd Brigade ng Philippine Army.
Sa naturang operasyon, nakuha ang tatlong 20 litro na gallon container na may laman na mga pampasabog na kagamitan, 337 piraso ng Super Dyne Explosives na may sukat na 25mm, bigat na 125 na gramo at habang 8 inches.
Ang naturang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng Pulisya at komunidad na may iisang layunin sa kampanya kontra terorismo ng pamahalaan upang mapanatili ang tahimik at payapa ang mga nasasakupang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10