Albay – Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5, Headquarters, Technical Support Company at 505th Maneuver Company sa Blood Donation Activity na ginanap sa Barangay EM’s Barrio, Legazpi City, Albay noong Agosto 4, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Sanggunianh Kabataan at Sangguniang Barangay ng EM’s Barrio sa pakikipagtulungan sa Albay Provincial DOH Office, City Health Office at Philippine Red Cross.
Nagkaroon din ng feeding program, free medical at dental services para sa mga residente ng nasabing barangay.
Patuloy na makikipagtulungan ang RMFB5 sa pamayanan upang maging maunlad ang komunidad.
Source: Regional Mobile Force Battalion 5