Pangasinan – Arestado ang isang lalaki na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level ng Mangaldan PNP sa Sitio Paratong Brgy. Poblacion, Bacnotan, La Union nito lamang Huwebes, ika-03 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Benjamin Zarate Jr., Officer-In-Charge ng Mangaldan Municipal Police Station, ang suspek na si Sammy Soriano Padilla, 53 at residente sa Brgy. Bantayan, Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Zarate Jr., bandang 4:51 ng hapon nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Lascivious Conduct kaugnay sa Republic Act 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at may rekomendadong piyansa na Php180,000.
Ang Mangaldan PNP ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.