Bacolod City – Arestado ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu at marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa DC 1 Regent Pearl Subdivision, Barangay Alijis, Bacolod City, ika-4 ng Agosto 2023.
Pasado alas-1:37 ng umaga ng ilunsad ang drug-bust operation ng mga operatiba ng Bacolod City Police Station 4, Station Drug Enforcement Team.
Kinilala ni Police Colonel Noel Aliño, Hepe ng Bacolod City Police Office, ang dalawang drug suspek na sina alyas “kaka”, 21, isang online seller at si alyas “boy negro”, 19, walang trabaho at parehong residente ng nasabing siyudad.
Narekober sa mga ito ang apat na pakete na naglalaman ng suspected shabu kabilang ang buy-bust item na tumitimbang ng 25 gramo na may halagang Php170,000.
Nakuha pa sa dalawa ang 12 gramo ng pinaghihinalaang marijuana kush na nagkakahalaga ng Php81,600.
Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Magpapatuloy ang pinaigting at mas pinahusay na kampanya kontra ilegal na droga ng ating kapulisan kasama ang komunidad upang tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na droga sa ating bansa.