Benguet – Nagsagawa ng relief operations ang mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office sa mga residente na nasalanta ng bagyong “Egay” at bagyong “Falcon” sa Brgy. Tawangan, Kabayan, Benguet nito lamang ika-3 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Provincial Police Office, ang pamamahagi ng ayuda kasama sina Police Lieutenant Colonel Benson Macli-ing, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit, Police Major Gregorio Kiwalan, Chief of Police ng Kabayan Municipal Police Station, Honorable Florante Bantes Jr., Municipal Mayor ng Kabayan, mga Barangay Officials at mga tauhan ng RPCADU Cordillera.
Nabigyan ng assorted grocery packs at bigas ang 70 na pamilya mula sa Barangay Lusod at Barangay Tawangan na pinaka-naapektuhan sa pananalasa ng nagdaang bagyo.
Bukod pa dito, namahagi rin ang mga tauhan ng RPCADU Cordillera ng mga babasahin hinggil sa kampanya laban sa ilegal na droga at pagsugpo sa Violence Against Women and their Children.
Ang aktibidad ay kaugnay sa Benguet PPO “Implan Bimadang” kung saan layunin ng programang ito na maghatid ng tulong sa mga kababayang mga lubos na nangangailangan.
Hinikayat ni PCol Olsim ang mga mamamayan na makiisa at makipagtulungan sa pulisya hindi lamang sa panahon ng kalamidad o sakuna kundi sa pagsugpo ng krimen at pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.