South Cotabato – Arestado ng otoridad ang isang lolo matapos itong makuhanan ng mga ilegal na baril at mga bala sa mismo nitong tahanan nito sa Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato, bandang alas-10 ng gabi nitong Agosto 1, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naarestong suspek na si alyas “Rogelio”, 66, na residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, inaresto si Lolo Rogelio ng pinagsanib pwersa ng CIDG-12 South Cotabato PFU at Tupi Municipal Police Station matapos ihain ang Search Warrant laban sa kanya na kung saan narekober mula sa pamamahay nito ang mga ilegal na baril na kinabibilangan ng isang yunit ng Cal.22 rifle, isang 12-gauge shotgun, magazine at mga bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang panawagan ni PBGen Macaraeg, na i-surrender ng sinumang indibidwal ang mga baril o armas na walang lisensya o hindi na-renew ang lisensya sa takdang panahon nang sa gayon ay hindi ito magamit sa anumang kaguluhan o ilegal na aktibidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin