South Cotabato – Nasabat ang isang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at baril sa bisa ng Search Qarrant na isinilbi ng Banga PNP sa Purok Roxas, Brgy. San Jose, Banga, South Cotabato noong Agosto 2, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emerson Policarpio, Hepe ng Banga Municipal Police Station, ang target ng operasyon na si alyas “Ian”, nasa wastong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Policarpio, dahil sa bisa ng Search Warrant ay sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Banga MPS, Regional Intelligence Division 12 at South Cotabato Provincial Intelligence Unit ang tinutuluyan ni Ian na kung saan nakumpiska ang isang yunit ng kalibre .38 na revolver na may kasamang mga bala, 0.01 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php500, at iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ni PLtCol Policarpio na patuloy ang Banga PNP sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Hinimok rin nito ang mamamayan sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga residenteng nagmamay-ari ng mga hindi lisensyado at ilegal na baril na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang himpilan upang ito’y isuko at mabigyan ng kaukulang aksyon.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin