Taguig City – Timbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na baril at granada ng mga tauhan ng Taguig City Police Station nito lamang Miyerkules, Agosto 2, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Robert Baesa, ang suspek na si Arnold, 38 taong gulang.
Ayon kay PCol Baesa, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Substation 2 Western Bicutan, Taguig City Police Station, na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Purok 9, PNR Site, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.
Narekober sa kanya ang isang cal. 38 na may dalawang live ammunition, isang explosive hand grenade at black leather sling bag.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Taguig City Police Station na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at R.A. 9516.
Patuloy ang paalala ng Pambansang Pulisya na isuko na sa kapulisan ang mga ilegal na armas na walang kaukulang papeles upang maiwasan ang posibleng pagkakagamit nito sa ilegal.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos