Cebu City – Matapos ang serye ng Police Community Programs at activities, isinagawa ng Police Regional Office 7 ang Culmination ng ika-28th Police Community Relations Month Celebration sa Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City, nitong umaga ng Lunes, Hulyo 31, 2023.
Ang makabuluhang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO 7, na personal na dinaluhan ni Undersecretary Terence C Calatrava ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Sa naging talumpati ni Undersecretary Calatrava kanyang kinilala ang walang pag-iimbot na dedikasyon ng mga ahensya ng pamahalaan higit na lalo sa hanay ng mga tagapagpatupad ng batas at tagapangalaga ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad.
Inihayag din niya ang kanyang buong suporta sa serbisyong hatid ng kapulisan sa rehiyon.
“To our law enforcement officers, I want you to know that your work does not go unnoticed or unappreciated. Your commitment to justice and the welfare of our society is nothing short of inspiring. And the impact of your service reaches far beyond the precincts. As you walk the path of service, know that the Office of the Presidential Assistant of the Visayas stands behind you in support, grateful for your services and inspired by your resilience,” saad ng Undersecretary.
“Let us continue to work together side by side to build a future where safety, justice, and compassion prevail,” dagdag pa niya.
Sa programa ay ginawaran ang ilang mga kawani at yunit ng PRO 7, gayundin ang mga Local Government Unit, Non-Government Organizations at stakeholders sa walang humpay na suporta at kooperasyon sa mga pinasimulang programa ng organisasyon para sa maayos, tapat, at mahusay na serbisyo publiko.