Pangasinan – Arestado ng San Carlos City PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Qualified Theft sa Brgy. Rizal, San Carlos City, Pangasinan nito lamang ika-29 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jose Abaya ll, Officer-In-Charge ng San Carlos City Police Station, ang suspek na si Milky Ann Aquino y Dela Cruz, 30, residente ng Brgy. Tarece, San Carlos City, Pangasinan.
Bandang 3:50 PM ng hapon ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest at walang rekomendadong piyansa.
Ang San Carlos City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: San Carlos City Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal