General Santos City – Binigyang pagkilala ng Police Regional Office (PRO) 12 ang mga natatanging kapulisan at stakeholders nito sa ginanap na Culmination at Awarding Ceremony kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28th Police Community Relations Month na ginanap sa PRO12 Grandstand, Tambler, General Santos City nito lamang Hulyo 27, 2023.
Ang naturang programa ay nabigyang katuparan sa pangunguna ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, katuwang ang Deputy Regional Director for Administration, Police Brigadier General Rolando Destura at si Police Colonel Ricky Rebua, Acting Chief ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) 12.
Malugod namang pinaunlakan ang programa ni Director Josephine Cabrido-Leysa, CESO III, Regional Director ng DILG 12, na siyang naging panauhing pandangal at tagapagsalita ng aktibidad, at maging ang Regional Director ng NAPOLCOM 12 na si Director Rodel M Calo, Municipal Mayor’s, stakeholders ng PRO 12, miyembro ng Advocacy Support Group, KKDAT, Force Multipliers, Awardees, at iba pang mga opisyales ng PRO 12.
Sa naging mensahe ng Regional Director ng DILG 12, binigyang kilala nito ang katagumpayan ng PRO12 lalong-lalo na sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Kaugnay rito ay binigyang diin din nito ang kahalagahan ng ugnayang pulisya at komunidad upang mapanatili ang magandang imahe ng organisayon.
Gayundin, mainit namang tinanggap ng mga awardees ang parangal na iginawad ng Police Regional Office 12 para sa kanilang huwarang pagganap at pagbibigay ng natatanging serbisyo sa mamamayan kaugnay sa kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-28th Police Community Relations Month.
Kabilang sa pinarangalan bilang Outstanding Personnel ng PRO 12 ay sina PCol Christopher M Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (Outstanding PCAD Senior Police Commission Officer); PLtCol Peter L Pinalgan Jr. (Outstanding PCAD Junior Police Commission Officer); PMSg Ednalyn B Suarez (Outstanding PCAD Senior Police Non-Commission Officer); PSSg Eduardo F Villaluna (Outstanding PCAD Junior Police Non-Commission Officer); NUP Alexander Q Burce (Outstanding PCAD Non-Uniformed Personnel) at si Mayor Victor James B Yap Sr. bilang Outstanding Stakeholder.
Nakamit naman ng mga sumusunod na tanggapan ang pagkilala bilang Outstanding offices/units: RCADD 12 bilang Outstanding RCADD; Regional Mobile Force Battalion 12 naman sa kategoryang Outstanding RMFB; South Cotabato Police Provincial Office naman bilang Outstanding PPO; General Santos City Police Office bilang Outstanding CPO; 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company naman ang nagkamit ng Outstanding PMFC; Isulan MPS naman para sa Outstanding MPS (Class A); Tampakan MPS naman bilang Outstanding MPS (Class B); habang Arakan MPS naman ang kinilala bilang Outstanding MPS (Class C).
Samantala, isa rin sa naging sentro ng aktibidad ay ang isinagawang Signing of Memorandum of Agreement on Community and Service-Oriented Policing (CSOP) sa pagitan ng PRO 12 at DILG 12.
Tiniyak naman ni PBGen Macaraeg na ang buong hanay ng PRO 12 ay mananatili at patuloy na mangunguna sa pagpapaunlad ng ugnayang pulisya at komunidad upang magkaroon ng isang mapayapa, maayos at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medeli