Negros Occidental – Sa patuloy na pagsisikap ng ating kapulisan upang wakasan ang insurhensiya sa ating bansa, ay isang dating miyembro ng CFO ang nagpahayag ng kanyang pagbawi ng suporta sa CTGs sa siyudad ng Kabankalan, Negros Occidental, kahapon, ika-24 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang dating CFO member bilang si alyas “Ariel”, 30, residente ng nasabing siyudad, miyembro ng Buhi nga Aksyon para sa Kauswagan kag Pag-amlig kag Siguridad sang Mangunguma kag Mamumugon (BAKAS) sa ilalim ng Paghidaet sa Kauswagan Development Group (PDG).
Isinuko nito ang isang improvised 12 Guage Shotgun (Sulpak) at isang cal. 9mm revolver na walang serial number.
Ang matagumpay na withdrawal of support ni Ariel ay maayos na pinangasiwaan ng mga tauhan ng Kabankalan CCPS katuwang ang PIU NOCPPO, 2nd NOCPMFC at ng 604th Company RMFB6.
Magkatuwang na hinihikayat ng ating kapulisan at ibang sangay ng pamahalaan ang mga nais sumuko at magbalik-loob sa ating gobyerno para sa pamumuhay ng tahimik upang makamit ang minimithing tunay na kapayapaan.