Zamboanga Del Sur (January 3, 2022) – Nakiisa ang Zamboanga Del Sur Police Provincial Office, Provincial Community Affairs and Development Unit 9 (PCADU 9) sa pagsasagawa ng gift-giving activity para sa mga miyembro ng Persons with Disabilities (PWD) na nagmula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Zamboanga del Sur Chapter katuwang ang iba pang ahensya at stakeholders nitong Enero 3, 2022 sa Barangay Tuburan, Pagadian City, Zamboanga Del Sur.
Kabilang sa dumalo sa aktibidad si Police Major Jerome Pamalaran, Chief PCADU 9, na pinangunahan ng KBP – Zamboanga del Sur Chapter, Mr. Roland B. Santiago ng Brigada News; Mr. Mel Coronel, KBP Broadcaster, at Mr. Jun Corgue ng Philippine Information Agency.
Ang aktibidad na inorganisa ng grupo ay naglalayon na tulungan at ipahayag ang buong paggalang sa mga taong may kapansanan na hindi lamang sa laban sa patuloy na diskriminasyon, ngunit pagkilala sa kanilang buong pagkatao at kakayahan.
#####
Panulat ni: Pat Chris Lorenz Angat
Salamat sa mga Kapulisan