Friday, January 17, 2025

25 Scholars, benepisyaryo ng Project Palangga ng NAPOLCOM at PRO 7

Cebu City – Dalawamput-limang mga estudyante na mga iskolar ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Police Regional Office (PRO) 7 ang mga naging benepisyaryo ng paglulunsad ng programang “Project Palangga” na ginanap sa PRO 7 Multi-Purpose Hall, Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City noong Biyernes, Hulyo 21, 2023.

Sa programang pinangasiwaan ng NAPOLCOM at Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) PRO 7, malugod na ipinaabot sa mga benepisyaryo ang mga handog na school supplies at food packs na mula sa naturang grupo at suporta mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Maliban dito ay nagkaroon din ng career advancement talk na hatid ng mga inanyayahang tagapagsalita mula sa Civil Service Commission (CSC) at PNP Recruitment Service.

Sa panayam naman kay Atty. Risty Sibay, Acting Regional Director NAPOLCOM 7, nabatid na ang mga iskolar na mula sa iba’t ibang baitang ay mga pawang anak ng mga miyembro ng pulisya na nagbuwis ng kanilang buhay sa gitna ng kanilang serbisyo sa bayan.

“Our scholarship grant is founded actually under the law of Republic Act 6963. All the family or beneficiaries of the PNP member who is killed in a police operation or is wounded, are permanently capacitated because the police officer is wounded in police operations.  So, the family or the beneficiaries are entitled to special financial assistance which is also composed of scholarship grants. Meaning to say, all the family, the legitimate or illegitimate children of the PNP member is entitled to a scholarship from elementary to college,” ani Atty. Sibay.

“So, under our policy, these scholars are entitled to special financial assistance, meaning the government through the National Police Commission shoulders their expenses at school,” dagdag nito.

Mensahe niya sa mga iskolar, “As government scholars, it is also our responsibility to reciprocate, meaning we have to take advantage of our scholarship and give back to the government by doing good in our school’s studies.”

Kasunod nito, tiniyak naman ng direktor na ang kanilang tanggapan ay patuloy na gagawin ang lahat na kanilang makakaya para sa mas mahusay na pangangasiwa sa mga benipisyaryo.

Samantala sa pahayag ng PRO 7, binigyang diin ni Regional Director, Police Brigadier General Anthony A Aberin ang kahalagaaan ng proyekto at ang makabuluhang epekto ng programa sa pagkilala sa sakripisyo at kabayanihan ng mga magulang ng mga bata sa kanilang paglilingkod sa organisasyon.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng programa ay si Atty. Risty Sibay, Acting Regional Director NAPOLCOM 7, Police Colonel Brent Madjaco, Deputy Regional Director for Administration PRO 7, Police Colonel Emelie Santos, Chief RCADD 7, Ms. Rosevie Roca, HR Specialist II ng CSC at mga miyembro at personahe ng National Support Units.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles