Quezon City – Timbog ang tatlong (3) drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust operation ng QCPD kung saan kanilang nakumpiska ang tinatayang Php816,000 halaga ng shabu nito lamang Biyernes, Hulyo 21, 2023.
Sa operasyon ng Masambong Police Station, kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Nicolas D Torre III ang dalawang suspek sa pangalang Jayson, 27, residente ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City; at Monica, 31, residente naman ng Brgy. San Antonio, Quezon City.
Dakong 11:20 ng gabi ng maaresto ang dalawa sa FPJ Ave., corner Pat Senador St., Brgy. San Antonio, Quezon City.
Batay sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PS 2 bilang tugon sa ulat ng isang concerned citizen hinggil sa illegal peddling activity ng mga suspek.
Isang pulis ang umaktong poseur buyer at bumili ng Php8,500 na halaga ng shabu sa mga suspek na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.
Nakuha mula sa kanila ang 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php476,000 at ang buy-bust money.
Sa kabilang banda, kinilalang si Raul Mungcal, 47, residente ng Brgy. Del Monte, Quezon City ang nadakip naman ng mga operatiba ng DDEU bandang alas-8:00 ng gabi sa harap ng No. 58 Magiting St., Brgy. Teachers Village East, Quezon City.
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng mga operatiba ng DDEU matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant kaugnay sa ilegal na aktibidad ng suspek. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng Php16,500 halaga ng shabu kay Mungcal at sa ibinigay na pre-arranged signal ay inaresto sya ng mga operatiba.
Nakumpiska sa kanyang possession ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php340,000, isang sling bag, isang cellular phone, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni District Director PBGen Torre lll, ang mga operatiba sa kanilang walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at nagsabing kanilang ipagpapatuloy ang pinaigting na operasyon nito sa buong Quezon City.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos