Caloocan City — Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na baril sa isinagawang Search Warrant ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Biyernes, Hulyo 21, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan CPS, ang suspek na si alyas “JR”, 37, tricycle driver/technician at nakatira sa Waling-Waling St., Barrio San Roque, Barangay 187, Caloocan City.
Ayon kay PCol Lacuesta, naaresto ang suspek bandang 10:45 ng gabi sa kahabaan ng 580 Waling-Waling St., Barrio San Roque, Barangay 187, Caloocan City sa bisa ng Search Warrant.
Nakumpiska sa suspek ang isang (1) unit ng caliber 38 revolver na may SN 165070 na kargado ng tatlong (3) live ammunition.
Mahaharap ang suspek para sa kasong paglabag sa Sec. 28 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na isuko na ang kanilang mga baril na walang kaukulang papel at laging ipagbigay alam sa kanilang himpilan ang anumang kahina-hinalang mga ilegal na gawain sa kanilang lugar.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos