Iloilo City – Matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office 6 ang 1st Civil Disturbance Management Competition 2023 sa Camp Gen Martin Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City nito lamang Huwebes, Hulyo 20, 2023.
Ang nasabing kompetisyon ay pinangunahan ni Police Colonel Leah Rose Peña, Chief, Regional Learning and Doctrine Development Division sa pamumuno ng aktibo at mahusay na Regional Director ng Police Regional Office 6, Police Brigadier General Sidney N Villaflor.
Ang mga naging kalahok sa kompetisyon ay binubuo ng anim na Police Provincial Offices kasama na dito ang Aklan Police Provincial Office, Antique Police Provincial Office, Capiz Police Provincial Office, Guimaras Police Provincial Office, Iloilo Police Provincial Office, at Negros Occidental Police Provincial Office.
Kasama din sa kompetisyon ang dalawang City Police Offices, Bacolod City Police Office at Iloilo City Police Office.
Sumali din ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 6 at ang CDM Team ng PRO6 Regional Headquarters.
Dito ay naipamalas ng bawat kalahok ang kanilang galing, husay, at bilis ng kilos at talino sa pagharap ng mga di inaasahang sitwasyon tulad ng mga gulo sa rally o kaya’y marahas na pagtitipon na nakakasira sa kaayusan.
Itinanghal na nagwagi sa nasabing patimpalak ang mga kalahok mula sa Aklan Police Provincial Office dahil sa ipinamalas nilang angking galing at talino sa pagganap ng Civil Disturbance Management.
Kabilang din sa mga dumalo ang mga miyembro ng Command Group, Regional and Personal Staff, Chief ng mga National Support Units, Provincial at City Directors ng mga kalahok na police officers.
Sinisiguro ng pamunuan ng Police Regional Office 6 na patuloy silang magsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay para sa kanilang kapulisan upang madagdagan at mapalawak pa ang karunungan tungo sa mas epektibong pagganap sa sinumpaang tungkulin.