Taguig City — Nasamsam ang tinatayang Php170K halaga ng umano’y shabu sa isang construction worker sa ikinasang buy-bust operation ng Taguig City Police Station nito lamang Huwebes, Hunyo 20, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng SPD, ang suspek sa pangalang Roger, 51 taong gulang na nadakip bandang 5:20 ng umaga sa C5 Road, Waterfun, Brgy. Western Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng Taguig CPS Drug Enforcement Unit (SDEU).
Sa operasyon, narekober ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 25 gramo at may Standard Drug Price na Php170,000, Php500 na ginamit bilang buy-bust money at isang green pouch.
Paglabag sa Section 5 at 11 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kahaharapin ng suspek.
Ang Taguig City Police Station ay nananatiling nakatuon sa kanilang misyon na puksain ang mga may kinalaman sa droga at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad. Ang pakikipagtulungan ng publiko, lokal na awtoridad, at mga kinatawan ng media ay naging instrumento sa tagumpay ng operasyong ito.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos