Bacolod City – Arestado ang tatlong indibidwal kabilang ang isang babae matapos mahulihan ng magic mushroom at shabu sa buy-bust operation ng Bacolod City Police Station 5 at Bacolod City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Cabug, Bacolod City nitong Hulyo 17, 2023.
Kinilala ni Police Major Joery Puerto, Station Commander ng Police Station 5, ang mga naarestong sina alyas “Diane”, 35, walang asawa; “Franz”, 26 at si “Fierre”, pawang mga residente ng nabanggit na lugar at itinuturing bilang mga Street Level Individual (SLI).
Bandang alas-10:35 ng gabi ng ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakumpiska ng 10 plastic sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng Php88,400 at ang 17 sachets ng magic mushroom na tumitimbang ng 3.610 kilos na may estimate Market Value na Php361,000.
Ang nasabing magic mushroom na nakumpiska sa mga suspek ay isang uri ng hallucinogenic drug at itinuturing na ilegal dahil hindi ito aprubado ng Bureau of Food and Drugs para sa pagkonsumo.
Ang mga drug suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin nila.
Ang pagkakahuli sa mga drug suspek ay bunga ng matagumpay na operasyon sa mahusay at pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.