Bataan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company para sa mga batang residente ng Brgy. Payagan, Dinalupihan, Bataan nito lamang Martes, ika-18 ng Hulyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Brownson Ollaging, Force Commander ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company.
Nagpakain ng libreng sopas ang mga awtoridad sa mga bata upang mabawasan ang bilang ng malnutrisyon sa kanilang nasasakupan.
Nagbigay din ng kaalaman ang mga pulisya patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness na kung saan ibinahagi ang mga epekto o masamang dulot ng ilegal na droga sa ating pangangatawan at kinabukasan.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28th Police Community Relations Month na may temang “Serbisyong Nagkakaisa tungo sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.
Patuloy ang Bataan PNP sa paghahatid ng serbisyo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.
Source: Bataan 1st PMFC
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3