Maguindanao del Sur – Boluntaryong isinuko ng concerned citizen ang kanyang loose firearm sa Punong Barangay ng Barangay Bulod, Sultan Sa Barongis, Maguindanao del Sur noong Hulyo 14, 2023.
Ayon kay PLt Alfred A Gregory, Officer-In-Charge, Sultan sa Barongis MPS, habang nagsasagawa sila ng Barangay Visitation ay isinuko ni Hon. Abdullah Baing, Punong Barangay ng Barangay Bulod ang loose firearm na isinuko ng isa sa kanyang mga residente. Samantala hindi na ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nagsuko.
Ayon pa kay PLt Gregory ang isinukong baril ay isang yunit ng 9mm Pistol: Bryco 59.
Ang nasabing baril ay nasa pansamantalang pangangalaga ng Sultan Sa Barongis MPS para sa dokumentasyon at ituturn-over sa Regional Field Unit BAR para sa Ballistics Examination.
Ang sama-samang pagsisikap ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, lokal na awtoridad, pinuno ng komunidad, at mga stakeholders ay may mahalagang papel sa tagumpay na ito sa pagpapanatili ng kaayusan para sa maunlad na pamayanan.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia