Friday, November 29, 2024

Karpintero, tiklo sa halos Php22M halaga ng shabu sa drug-bust ng Bohol PNP

Bohol – Umaabot sa halos Php22 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng kapulisan ng Bohol sa isang karpintero na nadakip sa inilunsad na buy-bust operation sa Purok 8, Barangay Songculan, Dauis, Bohol noong Hulyo 14, 2023.

Sa pangunguna ng Dauis Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit at Provincial Mobile Force Company, Bohol Police Provicial Office ay matagumpay na napasakamay ang subject ng operasyon.

Kinilala ni Police Lieutenant Thomas Zen Cheung, Chief of Police ng Dauis MPS, ang naaresto na si “Win-Win”, 33, residente ng Purok 5, Brgy. Mariveles ng kaparehong bayan, at kabilang sa talaan ng high value individual.

Nasamsam sa suspek ang nasa 3.225 kilo ng shabu na may Standard Drug Price na Php21,930,000.

Bago pa ang operasyon, isinailalim na ang suspek sa halos 2 buwan na surveillance matapos matanggap at maberipika ang impormasyong natanggap ukol sa pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad.

Paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng suspek.

Pinuri naman ni Police Colonel Lorenzo Batuang, Provincial Director ng Bohol PPO, ang mahusay at walang humpay na pagganap ng kapulisan at muling pinaalalahanang manatiling maging mapagbantay pagdating sa mga illegal-drug trade.

“Magtulungan tayong sugpuin itong ilegal na droga para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Walang pulis kung walang mamamayang nagmamalasakit, magkaisa tayong lahat laban sa ilegal na droga,” pahayag nito.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles