Isabela – Itinampok sa Sentimental Journey ni PBGen Percival A Rumbaoa, Regional Director ng PRO2, ang Ceremonial Turn-over ng Libreng Pabahay Project sa Sitio Nalimattan, Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela noong ika-13 ng Hulyo 2023.
Ang pabahay project na nagkakahalaga ng Php500,000 ay ginawad kay Mr. at Mrs. Erwin Macabangun na dating nakatira lamang sa hindi konkretong bahay.
Bukod pa rito, nakatanggap din sila ng Php7,000 halaga ng grocery items at bigas.
Itoý naging posible dahil sa pagpupursige ng San Mariano Police Station na matulungan ang naturang pamilya na magkaroon ng maayos at disenteng pamamahay at sa tulong rin na ibinahagi ng mga Local Government Officials ng naturang bayan at mga stakeholders.
Bahagi rin ng kanyang pagbisita ang Talk to Men sa mga kapulisan ng San Mariano Police Station na pinamumunuan ni Police Major Edgar V Manuel Jr, COP at kabilang sa dumalo ang PNP Retirees, Local Government Officials at Stakeholders na kung saan ibinahagi niya ang kanyang paninilbihan bilang Hepe ng naturang himpilan noong taong 1993 hanggang 1995.
Ilan lamang sa kanyang programa ang pagpapaigting sa Internal Security Operation (ISO), kampanya laban sa illegal logging, at anti-criminality drive na labis na nakatulong sa naturang bayan.
Source: Isabela PPO, PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos