Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng PNP sa Km 9, Sasa, Davao City, noong Hulyo 13, 2023.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Aries”, 37, residente ng Brgy. 76-A, Bankerohan, Davao City na tinaguriang Most Wanted Person sa Station level.
Ayon kay PMaj Goles, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang tauhan ng Sasa PS at Davao City Maritime Police Station sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 na may Php80,000 piyansang inirekomenda.
Ang pagkakadakip sa wanted person ay bunga ng magandang ugnayan ng kapulisan sa mamamayan at sa pagsisikap ng Police Regional Office 11 na gawing payapa at maayos ang Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara