Negros Occidental – Isang malaking tagumpay para sa pwersa ng pamahalaan ang pagsuko ng isang CTG member na naganap sa Sitio Sambag, Brgy. Manghanoy, La Castellana, Negros Occidental, noong Martes, ika-11 ng Hulyo 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangasiwaan ng 604th Company, RMFB6 (Lead Unit) katuwang ang RIU6, 2nd NOCPMFC; La Castellana MPS; Ilog MPS; PIU, NOCPPO; 61st SAC; 300AISW, PAF; at 62nd, IB, Philippine Army.
Kinilala ni Police Major Jhon Stephanie Gammad, Company Commander ng 604th Coy, RMFB6, ang sumuko na kinilala sa alyas na si Bayani/Bayan, 72 anyos, at residente ng nasabing bayan.
Ang sumuko ay dating kasapi ng Platoon-3 ng Central Negros-1, Negros-Cebu-Bohol-Siquijor (CN1, KR-NCBS) sa taong 1984.
Sa pagbabalik-loob nito ay isinuko rin ni alyas Bayani/Bayan ang kanyang hawak na isang cal .38 revolver na may limang bala; 1 hand grenade; at isang steel magazine para sa AK47.
Ang sumukong CTG member ay nasa pangangalaga ngayon ng 604th, RMFB6 para sumailalim sa custodial debriefing habang inaayos ang mga dokumento nito para sa pag-avail sa Enhance Comprehensive Local and Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Patuloy namang nananawagan ang Pambansang Pulisya sa publiko na makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang miyembro ng CTG na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa mga programa ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kapayapaan at tumulong sa pag-unlad ng ating bansa.