Pangasinan – Arestado ng Urdaneta City PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Lascivious Conduct nito lamang ika-11 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Lawrence Keith Calub, Officer-In-Charge ng Urdaneta City Police Station, ang suspek na si Diosdado Cresencia Rolliog, 45, residente ng Brgy. Consolacion, Urdaneta City, Pangasinan.
Bandang 11:53 ng umaga ng maaresto ang suspek sa Brgy. Pinmaludpod, Urdaneta City, Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest at mayroong rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Urdaneta City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Urdaneta City, Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal