Iloilo – Hindi na makakagraduate sa pagiging senior high school student ang isang 21 anyos na binatang lalaki matapos itong maaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng Pototan PNP at IPPO-PDEU sa Barangay Cato-ogan, Pototan, Iloilo, noong ika-10 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Major Tayona, Hepe ng Pototan Municipal Police Station, ang subject person na si Edmar Peñafiel y Luchar, 21, at residente ng nasabing bayan.
Ayon kay PMaj Tayona, inaresto ang subject person matapos itong maaktuhan sa pagbebenta ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa pulis na nagpanggap bilang posuer-buyer sa halagang Php1,200.
Narekober din ang karagdagang 11 plastic sachet ng suspected shabu sa posesyon ng suspek sa isinagawang body search sa kanya.
May kabuuang 5 gramo ng shabu na may halagang Php34,000 ang nakumpiska sa suspek.
Ayon pa kay PMaj Tayona, higit dalawang linggong isinailalim si Peñafiel sa monitoring bago pa man isagawa ang naturang operasyon.
Nasa himpilan na ng Pototan MPS ang naarestong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi tumitigil ang Iloilo PNP sa pagpapahusay ng kampanya kontral ilegal na droga at sinisigurong huhulihin ang mga taong sangkot sa anumang kriminalidad at ilegal na aktibidad.