Valenzuela City – Tinatayang nasa Php170,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela City Police Station nito lamang Martes, ika-11 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Northern Police District Director, PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., ang suspek sa pangalang Eduardo, 54, construction worker at kasalukuyang naninirahan sa Lower Brgy. San Antonio Valley 1, Parañaque City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, nangyari ang pagkakaaresto sa suspek matapos magbenta ng one piece heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa mga pulis na umaktong poseur buyer bandang 9:15 ng umaga sa kahabaan ng 1st Street BBB, Marulas, Valenzuela City.
Narekober sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, isang tunay na Php500 at Php100 na may kasamang 42 piraso na isang libo na boodle money na ginamit bilang buy-bust money; at isang unit ng HUAWEI Cellphone
Paglabag sa Seksyon 5 sa ilalim ng Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng naarestong suspek.
Tiniyak ni PBGen Peñones Jr, na ang kapulisan ng Northern Metro ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad upang makamtan ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos