Thursday, November 28, 2024

Php1.1M halaga ng shabu nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust ng QCPD

Quezon City – Arestado ang apat (4) na suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Quezon City nito lamang Hulyo 10 at 11, 2023.

Sa unang operasyon, kinilala ni PLtCol Leonie Ann Dela Cruz, Station Commander ng PS 13, ang dalawang suspek sa pangalang Michael at Mark John kung saan nahuli sila ng mga operatiba ng PS 13 bandang alas-6:10 ng gabi ng Hulyo 10, 2023 sa loob ng House No. 226 Lower Molave St., Brgy. Payatas B, Quezon City.

Ayon kay PLtCol Dela Cruz, isang concerned citizen ang nag-ulat ng pagtitinda ng droga ng mga suspek sa nasabing lugar. 

Sa isinagawang operasyo ng pulisya, nakumpiska nila ang 45 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php306,000, isang black coin purse at buy-bust money.

Samantala, nadakip naman ng DDEU ang mga suspek na sina Roque Larcen at Baetiong Vhanjo, bandang 2:30 ng madaling araw ng Hulyo 11, 2023 sa harap ng No. 24 Eulogia Drive, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Sumbong galing sa isang concerned citizen ang nakarating sa kanila hinggil sa aktibidad ng pagbebenta ng droga ng mga suspek.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng Php24,000 halaga ng shabu mula kay Roque na hudyat din upang sila’y mahuli.

Nakumpiska naman sa kanila ang 125 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php850,000, isang itim na sling bag, isang cellular phone, at buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

“Malugod kong binabati ang ating mga pulis sa kanilang pagsisikap upang mahuli ang mga suspek at masamsam ang mga ebidensiya. Ang kanilang dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin ay siyang sanhi ng matagumpay na operasyon,” ani PBGen Nicolas D Torre lll, District Director ng QCPD.

SOURCE: PIO QCPD

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles