Camp Crame, Quezon City. Matagumpay ang nakaraang PNPACAT 2021 na ginanap noong Disyembre 28-29, 2021 sa tatlumpu’t apat (34) na “Test Centers” sa buong Pilipinas ayon kay PMGEN ALEXANDER J SAMPAGA, PNPA Director. Sinabi din ni PMGEN SAMPAGA na itong huling pagsusuri ang syang pinaka malaki na naitalaga na nag-pasa ng aplikasyon sa PNPA “online application” na bumibilang mahigit 33,100 na isinumite na aplikasyon at kasunod may 26,509 kabuuan ng aplikante na kumuha ng pagsusulit o turn-out.
Gayundin pinuri naman ni PGEN DIONARDO B CARLOS, Hepe ng PNP ang lahat ng nakilahok at tumulong sa ginanap na pagsusuri sa mga kabataan na nagnanais mag-aral at mag-training sa kaisa-isang akademya ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Dito pinasalamatan ni CPNP Carlos ang mga namumuno sa mga eskwelehan na nagbukas ng kanilang mga pintuan para gamitin as test centers at ang mga LGU leaders na tumulong sa aktibidad at pagsuporta sa mga kadeteng lumahok at tumira sa kanilang areas of responsibility. Gayundin, pinuri ni CPNP Carlos ang mga alumni ng PNPA na kasalukuyang nasa serbisyo na tumulong din at umasikaso sa sekuridad ng mga examinees na dumulug sa mga 34 test centers sa lahat ng labing pitong (17) Rehiyon.
Alinsunod dito, layunin ng pamunuan ng PNPA na dadagan pa sa susunod na taon ang mga test centers para ipalapit pa sa mga kabataan itong oportunidad na binibigay ng ating gobyerno lalung-lalo sa mga malalayong lugar at kinabibilangan ng ating mga komunidad ng Indigenous People or mga Katutubong Filipino. Ganun din ang rehiyon na may malalaking probinsya kagaya ng Central Luzon; katulad lang ng Bulacan, na pwede lagyan ng isang test center sa Bulacan State University para hiyakatin at ipamulat sa ating mga kabataan doon sa probinsya ang mga magagandang programa ng gobyerno para sa kabataan. Sa ganitong pamamaraan, maihatid natin ang tunay at magandang mga adhikain ng gobyerno katulad na lang ang tulong sa ating mga kabataan na nagnanais mag-aral at maging ehemplo sa pag serbisyo sa bayan mula sa libreng programang edukasyun at training ng PNPA.
Pag tuluyang matagumpay ang isang aplikante, pagkatapos ipasa lahat ng “battery of test” (NP at Medical Exams) na kasunud pag naipasa ang PNPACAT; ang isang kadete ay maging isang Iskolar para sa Bayan ng ating gobyerno. Libre sa apat na taon ang edukasyon ng isang kadete at makakatanggap ng Bachelor of Science in Public Safety pagka gradweyt. Sa loob din ng apat na taon, may matatanggap ang isang kadete ng Php 39,000.00 as monthly training allowance, libre din ang pagkain, panunuluyan, at basic uniforms ng isang kadete habang nasa loob ng PNPA.
by: PLTCOL BYRON FILOG ALLATOG
Good job PNP