Taguig City – Masayang sinalubong ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang bagong talagang Regional Director na si PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr. sa Turn-Over of Command nito sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nito lamang Biyernes, ika-7 ng Hulyo 2023.
Ang naturang seremonya ay personal na pinangunahan ni Chief, Philippine National Police, PGen Benjamin C Acorda Jr, kasama ang iba pang opisyales ng naturang rehiyon.
Pamumunuan ni PBGen Nartatez, ang aabot sa 23,000 kapulisan sa Metro Manila kung saan inaasahan ang mas malakas na presensya ng hanay ng mga kapulisan sa lansangan upang maipatupad ang Internal Discipline at pagpapaibayo ng kahandaan ng NCR cops para sa mas pinalawig na ugnayang Barangay o komunidad.
Tiniyak naman ni PBGen Nartatez Jr, na ipapatupad ang 5-Focus Agenda ni Chief PNP at “Serbisyong Nagkakaisa” sa buong NCRPO at walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at anti-criminality sa Metro Manila.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos