Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php7,015,000 na halaga ng assorted smuggled cigarettes sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Hulyo 8, 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Reynald Arino, Force Commander 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, bandang 11:15 ng gabi nang magsagawa ng Seaborne Patrol sa karagatan ng Brgy. Manalipa Zamboanga City ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Bureau of Customs at Philippine Air Force.
Nasabat ang 59 master cases ng Modern (red), 39 master cases ng New Far (red), 9 master cases ng New Far (white), 32 master cases at 23 reams ng Fort (green), 49 master cases at 43 reams ng Cannon, 15 master cases ng San Marino (white) na may kabuuan na 203 master cases at 66 reams ng assorted smuggled cigarettes na may tinatayang halaga na Php7,151,200 na lulan sa isang bangkang de-motor na tinatawag na “Jungkong” na may marka na “FB Hayarana”
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Sukrimar”, “Kapitan”, “Kiram”, “Masaron”, “Ayyub”, “Jun” at “PJ na pawang mga residente ng Pata, Sulu at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9