Cebu – Kumpiskado ng PNP ang ilang matataas na kalibre ng baril at sachet ng ilegal na droga sa isinagawang Search Warrant Operation sa Barangay Bunga, Toledo City, Cebu noong Hulyo 7, 2023.
Ayon sa Force Commander ng Cebu 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Police Lieutenant Colonel Epream Paguyod, sa pangunguna ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang mga tauhan ng 2nd PMFC, Cebu City Maritime Police Station, Toledo City Police Office at Regional Intelligence Unit 7, dakong alas-10:40 ng mailatag ng grupo ang Search Warrant laban sa suspek na kinilalang si “Marjon”, 33.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang tatlong (3) unit ng Cal. 22 Riffle, dalawang (2) unit ng Cal. 45, isang (1) ng Cal.38 revolver, mga basyo at bala.
Maliban dito ay narekober din ang karagdagang 17 plastic sachet ng pinaghihinalang shabu na may tinatayang timbang na 2 gramo at DDB Value na Php13,000, isang (1) unit ng Digital Weighing Scale, mga alluminum foil, at apat (4) na disposable lighter.
Mga reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa naaresto.
Tiniyak naman ng buong kapulisan ng probinsya ang tapat at mas mahusay na serbisyo para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko.