Iloilo City – Naging matagumpay ang isinagawang Joint Graduation ng Police Community Affairs and Development Course (PCADC) at Retooled Community Support Program (RCSP) Training na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Camp Gen Martin Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City, noong Biyernes, ika-7 ng Hulyo 2023.
Matagumpay na nagtapos ang 50 PNP personnel na binubuo ng 7 Police Commissioned Officers, 41 Police Non-Commissioned Officers, 2 NUP ng 45-day PCADC. Samantala, 40 Police Non-Commissioned Officers naman ang nagtapos ng RCSP Training.
Pinangunahan ito ni PBGen Archival Macala, Deputy Regional Director for Administration ng PRO6, at dinaluhan ni PBGen Lou F Evangelista, Director ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Ang mga nagsipagtapos ay tumanggap ng mga certificates bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagbigay ng oras na matapos ang naturang kurso, habang binigyang parangal at nakatanggap naman ng pagkilala ang Top 3 Outstanding Students ng PCADC.
Tampok din sa naturang graduation ang Ceremonial Pinning of Badge sa mga nagtapos ng PCADC bilang tanda na sila’y ganap ng PCAD Specialist/Operator.
Samantala, sa naging mensahe naman ni PBGen Evangelista, malugod niyang binati ang mga nagsipagtapos. “Sa ating mga graduates, sama-sama nating ipakita at ipadama sa ating mahihirap na kababayan sa komunidad na ang tunay na kaunlaran ay mararating hindi sa armadong pakikibaka, bagkus sa pagkakaisa at paniniwala sa gobyerno at sa kanilang pulis na lahat tayo ay nangangarap ng isang maunlad na Pilipinas at isang matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa ating mga anak.”
Kasama din sa mga dumalo sa nasabing pagtatapos sina Police Colonel Adrian V Acollador, Chief, RCADD; Police Colonel Lea Rose B Peña, Chief, RLDDD; Police Lieutenant Colonel Zaldy K Abellera, OIC, RPCADU6; and Police Lieutenant Colonel Nasruddin D Tayuan, Officer-in-Charge, RSTU6.