Sarangani – Boluntaryong sumuko sa PNP ang isang CTG member sa Barangay New La Union, Maitum, Sarangani Province nitong Biyernes, ika-7 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 12, ang sumuko na si alyas “Yoyo”, 27, nanilbihan bilang Intel/Liaison/Courier ng komunistang grupo mula sa West Musa, Far South Mindanao Region at residente ng Kiamba, Sarangani.
Kasabay ng pagbabalik-loob ng Former Rebel (FR) ay ibinaba rin nito ang kanyang armas na improvised 9mm machine pistol na may kasamang magazine at 10 live ammunition.
Dahil sa patuloy na pagpupursigi ng Sarangani Police Provincial Office at Maitum Municipal Police Station at sa tulong ng komunidad kaya’t matagumpay na nakumbinsi ang FR na kusang sumuko at tumalikod sa kanilang armadong pakikibaka.
Patuloy ang pagnipis ng puwersa ng Communist Terrorist Group (CTG) sa probinsya ng Sarangani bunga ng pagkalas ng mga diskontentadong miyembro nito.
Hinikayat naman ng Regional Director ang iba pang miyembro ng CTG na sumuko na rin para mabigyan na rin sila ng pagkakataon na makapagbagong-buhay, makapamuhay ng tahimik at mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin