General Santos City – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng PNP Maritime Group sa mga kabataang residente ng Purok 3, Raja Muda, Barangay Bula, General Santos City nitong ika-3 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rizaldy Caballero, Acting Chief, RMU12 ang aktibidad kasama ang mga barangay officials at mga force multipliers na boluntaryong nakiisa sa pamamahagi.
Mahigit 100 na kabataan ang naging benepisyaryo na napamahagian ng mga pagkain at inumin.
Nagpasalamat naman ang mga residente dahil sa kabila ng mga sakuna at pandemya ay aktibo at patuloy ang pagtulong ng mga kapulisan sa kanila.
Ang mga ganitong aktibidad ang nagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at ng mamamayan tungo sa mas mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia