Calbayog City – Nagsagawa ang Calbayog PNP ng Feeding Program sa Brgy. Migara, Calbayog City nitong Lunes, Hulyo 3, 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ericson Del Rosario, Chief of Police ng Calbayog City Police Station, kasama ang mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company bilang pakikiisa sa ika-49 Nutrition Month Celebration na may temang: “Healthy Diet Gawing Affordable for All”.
Nagpapasalamat naman ang mga magulang ng mga batang nabigyan ng simpleng pagkain na handog ng kapulisan at ibang nakilahok.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng City Heath Office sa pamumuno ni Dr. Tim Villanueva at Brgy. Kapitan Gerry M. Doinog ng naturang barangay.
Ang mga ganitong programa ay nagpapakita lamang na ang PNP ay patuloy na nagbibigay tulong at serbisyo sa mamamayan sa kanilang nasasakupan upang ipadama ang malasakit at pagmamahal sa kapwa.