Lapu-Lapu City – Magkatuwang na inilunsad ng Police Regional Office 7 at Aviation Security Unit 7 ang aktibidad na “Gasa alang sa Mananagat” sa Headquarters, AVSEU 7, Unit IH-05 MCIAA Staff House, Brgy Buaya, Lapu-lapu City nito lamang ika-3 ng Hulyo 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO 7 katuwang ang kanyang butihing maybahay na si Gng. Melinda E Aberin.
Dumalo rin sa aktibidad sina Police Brigadier General Jerry F Bearis, Director ng Aviation Security Group; Police Colonel Arthur A Salida, Chief AVSEU 7; Police Colonel Emelie D Santos, Chief RCADD 7; Police Colonel Elmer S Lim, Lapu-Lapu City Director; at Police Lieutenant Colonel Leoncio B Baliguat Jr, Acting Chief RPCADU 7.
Ito ay kaugnay sa ika-28th Police Community Relations (PCR) Month Celebration na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”, kung saan naging tampok ang pamamahagi ng food packs na naglalaman ng bigas, noodles, delata at hygiene kit sa tinatayang 50 na mangingisda ng nasabing lugar.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na mangunguna sa mga ganitong aktibidad katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maipadama sa mga residente, higit na sa mga mangingisda na siyang naging benepisyaryo ng programa ang pagmamahal at pagkalinga ng kapulisan.