Matagumpay na isinagawa ng Isabela PPO ang Kick-off Ceremony ng 28th Police Community Relations Month Celebration na may temang: “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan” kasabay ng Flag Raising at Awarding Ceremonies sa IPPO Grandstand, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela nitong umaga ng ika-3 ng Hulyo 2023.
Ito’y malugod na pinangunahan ni Police Colonel Julio Go, Provincial Director, kasama sina Engr. Corazon Toribio, Director, DILG-Isabela, at Police Inspector III Christopher G Binoya, Provincial Officer, NAPOLCOM-Isabela.
Bahagi ng aktibidad ang paggawad ng Letter of Commendations sa mga kapulisan ng Isabela na nagpamalas ng angking kahusayan sa administrative at operational accomplishments ng IPPO na sinundan ng pagbabahagi ng mensahe ni Engr. Toribio bilang Guest of Honor and Speaker.
Sa mensahe na ipinaabot ni Engr. Toribio ay kanyang binanggit ang kahalagahan ng magandang ugnayan ng pulisya at komunidad maging ang kagandahan nang pagkakaroon ng Project KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) na makakatulong sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan.
Kanya ring hinangaan ang mahusay na serbisyo ng mga kapulisan at ang patuloy na pagsasakripisyo ng mga ito upang maging ligtas mula sa anumang kriminalidad ang bawat mamamayan.
Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificate of Recognition at Token sa naimbitahang guests bilang pasasalamat sa pagpapaunlak ng mga ito na maging bahagi ng makabuluhang aktibidad.
Source: Isabela PIO, PPO