Antique – Kusang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Sibalom PNP sa District II, Sibalom, Antique, nitong Sabado, ika-1 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Major Renato G Monreal II, Hepe ng Sibalom PNP ang sumukong CTG member na si “Ka Marco”, 22, walang asawa, magsasaka, residente ng residente ng Brgy. Igparas, Sibalom, Antique at isang dating miyembro ng Squad 1, Front 11, SFC, KRP.
Ayon kay PMaj Monreal II, ang pagsuko ni “Ka Marco” ay naging matagumpay matapos itong makumbinsi ng mga tauhan ng 1st Antique PMFC katuwang ang Sibalom MPS, 62nd SAC PNP-SAF, 602nd RMFB6, 61st IB, Philippine Army, PIU at ng PIT Antique.
Ayon pa kay PMaj Monreal II, isinuko rin nito ang kanyang hawak na armas na isang 12-gauge homemade shotgun rifle na may dalawang bala at 40mm grenade.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Sibalom MPS ang naturang subject person upang sumailalim sa custodial debriefing at para na rin sa kaukulang disposition.
Ang maayos at matagumpay na pagsuko ni Ka Marco ay resulta ng patuloy at hindi tumitigil na kampanya ng ating Gobyerbo kontra insurhensiya at terorismo upang makamit ang isang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.