Bataan – Nakumpiska ang tinatayang Php680,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Culis, Hermosa, Bataan City nito lamang Huwebes, ika-22 ng Hunyo 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Florencio”, 52 at alyas “Marissa”, 43, pawang mga residente ng Barangay Kaparanagan, Orani, Bataan.
Naging matagumpay ang naturang operasyon sa pinagsanib pwersa ng Hermosa Municipal Police Station, Bataan Police Provincial Drug Enforcement Unit at Bataan 1st Provincial Mobile Force Company.
Bandang 6:30 ng gabi nakumpiska ng mga operatiba ang tinatayang Php680,000 kabuuang halaga ng shabu na may bigat na 100 gramo; at isang pirasong Php1,000 bill bilang marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Hermosa PNP ang maigting na kampanya kontra ilegal na droga at patuloy na magbibigay kaalaman sa mga barangay/paaralan sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot.
Source: Hermosa Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3